Isa sa pinakalaganap na peste sa mga tahanan ay ang anay. Madalas itong nirereklamo na namemerwisyo sa mga tahanan, at isa rin ito sa pangunahing nagpapabahala sa mga tao bubuo pa lamang ng kani-kanilang pamilya—lalo na kung sila ay bubukod na sa kanilang mga magulang. Ang mga anay rin ay nakakaperwisyo sa mga taong nais ng iba’t-ibang muwebles.
Kung kakaunti lamang ang kaalaman mo sa mga kayang gawin ng anay, siguro ay mahirap paniwalaan na matinding pagwasak ang kaya nitong idulot sa bahay mo. Bihira rin sila makita ng iyong mga mata—kaya naman napakadaling baliwalain ang mga ito. Hindi rin kasi ito mukhang mapanganib o nakakatakot, hindi gaya ng ibang mga peste sa bahay, kung sa’n isang sulyap mo pa lang ay manginginig ka na sa takot.
Pero isipin mo na lamang kung ano na ang gagawin mo kapag isang kumpol na ng anay ang sumugod sa bahay mo; dapat lamang na ikaw ay kabahan. Isa silang matinding puwersa kapag pinagsama-sama, at kayang-kaya nilang sirain ang mga istruktura sa iyong tahanan sa maikling panahon.
Kung ang ganitong senaryo ay madalas na nangyayari sa iyong bahay, malamang ay nagsasawa ka na sa mga problemang dulot nila. Ngunit, hindi mo kailangan mag-alala, sapagkat meron kang mga paraang pang pest control na maaari mong gamitin upang sila ay tuluyang lumisan sa iyong tahanan.
Matatagpuan ang anay sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, pero mas malaki ang populasyon nito sa mga bansang tropiko at bansang may mainit na klima—kagaya na lang ng Pilipinas.
Binansagang “silent destroyer” ang mga anay dahil sa kakayahan nitong ngatngatin ang kahoy, sahig, pader, at iba pang istruktura sa iyong bahay nang hindi mo namamalayan.
Magsisimula itong gumawa ng lagusan sa labas ng iyong bahay. Ang mga lagusan na ito ay nagsisilbing proteksyon habang naglalakbay sila pabalik ng kanilang pugad, bitbit-bitbit ang kanilang makakain.
Hindi mo alam na habang ginagawa mo ang mga pang-araw-araw mong aktibidad ay andiyan na ang mga anay, patagong naghahasik ng lagim. Ang bahay na kay tagal mong pinangarap at pinaghirapan ay dahan-dahang wawasakin ng mga pesteng ito, lalung-lalo na kapag hindi naagapan. Kaya napakaimportante ay maaga pa lamang ay magawan na agad ng lunas ang presensiya nito sa bahay mo.
Interesanteng pag-aralan ang mga pesteng ito. Gaya nga ng nabanggit kanina, kayang-kayang manira ng anay ng mga tahanan, pero sa kabila ng lahat ng ito, lubhang marupok at maselan ang mga katawan nila. Idagdag mo pa rito na madali ring matuyo ang katawan nila.
At dahil na nga ito ay hindi sila namumuhay ng mangilan-ngilan lang. Lagi silang kabilang sa mga kaukulan nilang kuyog o grupo.
May tatlong primaryang miyembro ang isang kuyog ng anay. Bawat miyembro ay may kanya-kanyang tungkulin.
Binubuo ng mga manggagawa ang halos 90-95% na populasyon sa isang kuyog. Sila ang naghahanap ng pagkain para sa lahat; at kung wala sila, babagsak ang buong lipunan.
Ang mga manggagawa ay hindi pwedeng magka-anak—mapa-babae pa ‘yan o lalaki. Dagdag pa rito ay bulag sila at walang pakpak.
Makikilala sila sa kanilang balat exoskeleton—wala itong kulay.
Ang mga sundalong anay ay binubuo ang 1-3% na populasyon sa isang kuyog.
Para silang mga manggagawang anay dahil sila rin ay bulag, walang pakpak, at ‘di maaaring magka-anak.
Ang natatanging kaibahan lang ay mayroon silang malalakas na panga na nagbibigay sa kanila ng kakayahang protektahan ang buong grupo. Para palayasin ang mga may balak lusubin ang kanilang tahanan, naglalabas ng lason ang mga sundalong anay sa pamamamagitan ng kanilang makapangyarihang panga.
Bukod pa rito ay hindi kayang pakainin ng sundalong anay ang sarili nito. Kailangan nito ng manggagawang anay para mabuhay.
Kung may nalalabing panganib, hindi mag-aatubili ang sundalong anay na isakripisyo ang kanilang sarili.
Ang matatandang anay ay may pinakamaliit na porsyento sa populasyon. Sila ay tinatawag na hari at reyna.
Kadalasan ay mayroon lamang isang reyna sa buong kuyog. May ibang reyna na kayang mamunga ng 10,000 na itlog sa isang araw.
Madaling makilanlan ang mga matatandang anay. Maiitim at kulay-kape sila. Mayroon din silang mga pakpak. Malinaw na rin ang paningin nila, ‘di gaya ng manggagawa at sundalong anay.
Matinding perwisyo man ang ibinibigay ng mga anay, hindi maikakaila na nakakamangha ang ibang mga katangian nila, kagaya na nga lang ng mga tinalakay kanina.
Eto pa ang ibang karagdagang impormasyon tungkol sa pesteng ito:
Mayroong apat na pangunahing uri ng anay sa Pilipinas.
Mound Building Termite (Macrotermes gilvus). Maiitim ang kulay ng mga anay na ‘to at kadalasan silang natatagpuan sa mga halamanan.
Ang uri na ‘to ay isa sa may pinakamalaking populasyon ng anay. Malalapad ang mga lagusan na ginagawa nila, at karaniwan ay isa itong kumpol.
Mas gusto nila ang malalambot na kahoy, pero kumakain din sila ng mga tuyong halaman.
Dahil nga kadalasan ay sinisira ng anay ang iyong tahanan nang hindi mo nalalaman, importanteng ikaw mismo ang humanap ng mga senyales na mayroon ng anay sa iyong bahay.
Ano nga ba ang mga senyales na dapat mong bantayan?
Karaniwang kaalaman na lapitin ang mga anay sa kahoy. Sa kasamaang palad, hindi lang ito ang natatanging rason kung bakit susugurin ng pesteng ito ang iyong tahanan.
Ano pa nga ba ang ibang sanhi ng anay?
Maliban sa pagsira nito ng mga istruktura, ano pa nga ba ang mga panganib na pinepresenta ng anay sa mga tao?
Walang nagnanais na masira ang kanilang tahanan. Gugustuhin mo bang unti-unti na lang masira ang bahay na iyong pinangarap, pinag-ipunan, at pinaghirapan? Natural ay hindi!
Pero ang problema ay kayang-kayang sirain paunti-unti ng anay ang mga kahoy, sahig, pader, at iba pang istruktura sa iyong bahay nang hindi mo namamalayan. Mapapansin mo na lang ito kung kailan matinding sira na ang naidulot ng mga anay. Kaya naman pagdating sa pesteng ito, importanteng makahanap ka agad ng lunas sa nakakayamot nilang pagsulpot.
Importante na malaman mo ang mga manipestasyon ng anay sa iyong bahay—at magagawa mo lamang ito kung mayroon kang sapat na kaalaman tungkol sa pesteng ito, at kung ginawa mo ang iyong takdang aralin na magsaliksik tungkol sa kanila.
Agapan ang anay nang maaga pa lang. At kung gusto mong tiyakin na walang anay na nagtatago sa sulok ng iyong bahay, ‘wag mag-alinlangang lapitan ang Topbest. Andito kami para tugunan ang mga problema mo sa termite control.
Mayroon kaming sapat na kaalaman at epektibong mga kagamitan na sinisigurong lilipunin ang bawat anay na nagtatago sa iyong tahanan.
Kung interesado ka sa aming mga serbisyo o kung gusto mong bisitahin namin ang iyong gusali, ‘wag mag-atubiling tawagan ang Topbest ngayon!
Copyright © 2013 - 2021 by Topbest. SEO by SEO-Hacker. Optimized and managed by Sean Si.