Sa ating ecosystem, ang paunang papel ng mga lamok ay ang magsilbing pagkain. Ang kanilang mga itlog, na nasa tubig, ay nagsisilbing makakain para sa mga hayop na namumuhay sa tubig. Ang mga matatandang lamok naman ay nagsisilbing pagakin din, ngunit para naman sa mga ibon at lalo na para sa mga palaka.
Kahit na puro benepisyo ang dulot nito sa mga hayop at sa ecosystem, tila puro perwisyo at sakit naman ang dulot nito sa mga tao.
Dahil sa sobrang liit ng mga lamok, halos imposible ito makita. Kung ma-tyempuhan mo man na makita ito, napaka-bilis naman nito kumilos at lumipad.
Naranasan nyo na bang magulat nalang na may kumagat sa inyo? At pag-tingin nyo naman sa parte ng iyong katawan na kinagat, ay wala ka namang makita?
Nagawa mo na ba lahat ng paraan pangontra sa mga lamok, ngunit tila hindi sila nauubos?
Kung malaking perwisyo ang dulot sayo ng mga lamok, tatalakayin ng artikulong ito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa mga lamok.
Hindi lamang nakakairita ang mga insektong ito, nakakapinsala rin sila dahil sa mga sakit na maaaring maidulot nito.
Hindi alam ng mga nakakarami, ngunit walang sakit na nagmumula mismo direkta sa mga lamok. Nagmimistulang taga-bitbit o carrier lamang ng sakit ang mga insektong ito.
Para sa mas masinsinang talakayan, eto ang mga impormasyong may kaugnay sa pag-dulot ng sakit ng mga lamok.
Ang mga matatandang lamok na may kapasidad na mag lipat ng sakit mula isang tao patungo sa isa ay mga babaeng lamok at hindi lalaki.
Gaya ng buntis na babae, kailangan din ng mga babaeng lamok ng dugo para maging maayos at walang komplikasyon ang fertilization ng kanilang mga itlog bago ito lumabas sa tubig.
Ang mga lamok ay hindi tulad ng mga hayop na ginagamit ang kanilang paningin para umatake sa kanilang mga biktima. Ang gamit nila ay ang kanilang heat sensor.
Dahil sa malabong paningin ng mga insektong ito, umaasa na lamang sila sa mga heat sensors nila. Kapag nasa halos 10-talampakan o 3-metro, na sila ng lapit sa kanilang biktima ay agaran na nila itong aatakihin. Tuwing mataas ang kahalumigmigan (humidity) ng paligid, mas lumalakas at nagiging-tumpak ang kanilang sensors.
Ang isa pang paraan na gamit ng mga lamok upang tukuyin ang kanilang mga biktima ay ang carbon dioxide na inilalabas ng mga tao sa kanilang hininga. Nagagamit din nila ang amoy ng mga tao—kaya na lamang kapag pawisin ka, tiyak na mas lapitin ka ng mga lamok; tiyak na ikaw ay kakagatin!
Madaming naipapakalat na mga viral na sakit ang mga lamok. Kalimitan pa ng mga sakit na naipapakalat ay iyong mga walang tiyak na lunas, at tila ang paraang ng pagpapagaling ay ang pag tuligsa sa mga sintomas nito.
Ang pagsalin ng sakit ng lamok sa tao ay kapag ang pinanggalingan nitong lugar ay marumi at puno ng mga bacteria na maaring magdulot ng sakit. Isa pang paraan ng pagpapakalat ng sakit ng mga lamok ay kapag kumagat sila ng taong may sakit at pakatapos ay kumagat ng ibang tao.
Para sa karagdagang kaalaman, eto ang mga sakit na maaaring maidulot ng mga lamok.
Sa lahat ng mga sakit na nagmumula sa kagat ng lamok, ang Dengue ay ang pinaka talamak sa Pilipinas.
Itong sakit na ito ay nagmumula sa uri ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti o kaya naman ay mula sa lamok na Aedes Albopictus.
Kapag ikaw ay nakakuha ng virus na ito, ito ay iikot na sa sistema ng iyong katawan; kadalasan ito ay umaabot ng 2-7 na araw. Ngunit, maaring lumabas na ang mga sintomas ng Dengue matapos ang ika-3 araw pagkatapos mo makagat ng lamok.
Ang mga sintomas ng Dengue ay napakataas na lagnat, sakit ng ulo, pag-litaw ng mga rashes, at pananakit ng mga kasu-kasuan ng iyong katawan.
Itong sakit na ito ay maaring maihalintulad sa Dengue dahil sa mangilang-ilang pagkakapareho ng dalawang nasabing sakit.
Pareho silang maaring mag-mula sa Aedes Aegypti o Aedes Albopictus. Nagkakapareho rin ang dalawang sakit sa mga sintomas na maaring makita tulad ng mataas na lagnat, masakit na ulo, paglitaw ng mga rashes, at pagsakit ng kasu-kasuan.
Maaaring malaman kung ang sakit ba ay Chikungunya—at hindi Dengue—pagkatapos mo pumunta sa doktor upang mag pa-eksamin.
Ang Malaria, tulad ng Dengue, ay isa rin sa mga pinoproblemang sakit sa Pilipinas. Ang uri ng lamok na nagdudulot ng sakit na ito ay ang Anopheles Specie.
Ang pinagmumulan ng sakit na Malaria ay ang parasitiko na single-celled na nag-ngangalang Protozoon.
Kaya rin talamak ang sakit na ito sa Pilipinas ay dahil may apat na specie ng Protozoon na matatagpuan sa bansa. Ang apat na uri ng parasitiko ay tinatawag na Plasmodium Falciparum, Plasmodium Vivax, Plasmodium Ovale, at Plasmodium Malariae
Kapag ang lamok na kumagat sa isang tao ay may bitbit na ganitong uri ng parasitiko, maaari itong magdulot ng Malaria.
Ang karaniwang sintomas ng Malaria ay mataas na lagnat matapos ang 2-3 na araw mula nung pagkaka-kagat ng lamok sa iyo. Matapos ang mataas na lagnat, makakaranas naman ng panlalamig o panginginig ang biktima, matapos naman nun ay makakaranas sila ng pamamawis.
Kung titignan ang mga sintomas ng Malaria ay tila napakasimple at madaling masolusyonan nito. Ngunit, ang panganib ay ang posibilidad na humantong ang Malaria sa anemia o kaya naman ay pagkasira ng atay o bato.
Isa pang maaaring maidulot ng Malaria ay ang Cerebral Malaria kung saan ang ilang daluyan ng dugo sa utak ay nahaharangan.
Itong sakit na ito ay tinitira ang mga bagong silang na sanggol. Nakakasagabal ang sakit sa pag-develop ng mga sanggol; posibilidad ding ikamatay ito ng sanggol.
Isa sa mga nasasabing epekto nito ay mga neurological disorder, kung saan ang mga bagong silang na sanggol ay magkaroon ng maliliit na ulo.
Sa ngayon ay wala pang gamut na naiimbeto para puksain ang sakit at gamutin ang mga bata. Subalit, mayroong bakuna na maaaring kunin ng mga nagdadalang tao upang hindi sila matablan ng Zika Virus.
Alam ng nakakarami na ang mga insektong ito ay namumugad sa mga stagnant na tubig.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga nakararami ay may mga ilang standing water na hindi halata at hindi madaling makita.
Bukod pa rito, may iilan pang mga lugar kung saan maaaring mamugad ang mga lamok. Ilang halimbawa nito ay:
Maraming basurang itinatapon sa basurahan—katulad na lamang ng kakaunting latak ng tubig, juice, sabaw, o kaya naman ay katas ng mga prutas. Isa pang pinagmumulan ng tubig ay ang buhos ng ulan o hamog na maaring maipon.
Ang mga lamok ay kayang mangitlog at mamungad kahit na ilang sentimetro lamang ng tubig.
Nakaka-dagdag sa peligro ng ganitong sitwasyon ay ang maduming kondisyon na pagmumulan ng mga lamok. Ang mga lamok na mula sa maruming pugad ay tiyak na nagbibitbit ng sangkatutak na mikrobyo.
Sa mga sangkatutak na bagay na nasa tambakan, hindi malayo na kahit paano ay may isang maaring paglagyan ng tubig at pamugaran ng mga lamok.
Ang ilang bagay na maaring pamugaran ay lumang gulong ng kotse, lumang timba o kaya naman ay lumang palanggana.
Posible rin na pamugaran ng mga lamok ang iyong swimming pool—kahit na ito ay may mga gamot na dapat nagpapaalis sa mga lamok. Ang posibilidad na ito ay mangyari ay mas tumataas kung ang iyong swimming pool ay madalas na hindi ginagamit.
Ang mga bukas na tubo ay madalas pamugaran ng mga lamok dahil hindi ito madalas na hindi napapansin at hindi nalilinis.
Ang mga garden hose na ginagamit para sa pagdidilig ay maaring pasukin ng mga lamok. Maaari nilang gamitin ang butas na nilalabasang ng tubig, kapag hindi ito ginagamit.
Maraming iba’t-ibang paraan ng pag-pigil at pag-puksa sa mga lamok. Ito ang mga maaring gawin para tuluyan nang umalis ang mga insektong ito sa iyong bahay.
Inilista namin sa baba ang ilang mga pest control methods na maaari mong gawin sa iyong bahay upang paalisin ang mga lamok sa iyong tahanan.
Ang citronella ay isang natural na plant extract na kilalang pangontra sa mga lamok. Sa pag gamit ng kandila na ganito, ang init at amoy nito ay isang mabisang kombinasyon panlaban sa mga insekto.
Mukha itong raketa ng Tennis, ngunit makukuryente ang mga insekto sa parteng mukhang “net.” Sadyang kulay asul ang parte na may kuryente dahil ang mga lumilipad na insekto ay nahuhumaling sa kulay na asul.
Hindi lamang mga bampira ang kayang paalisin ng amoy ng bawang, kundi maski ang mga lamok din.
Magandang durugin ang mga bawang at i-spray sa iba’t-ibang sulok ng bahay, lalo na sa mga tagong sulok.
Mainam na isaboy ang mga coffee grounds sa mga tubig na maaring pamugaran ng mga lamok. Dahil sa kape ay lulutang ang mga itlog ng lamok na nasa tubig at mawawalan ang mga ito ng oxygen at mamamatay kalaunan.
Sa ganitong paraan, napapatay ang mga insekto habang itlog pa lamang sila at wala nang pag-asa pang maging ganap na lamok.
May mga natatanging halaman na mabisang pangontra sa lamok.
Ang mga halaman na magandang itanim sa paligid ng tahanan ay Basil, Lavender, Lemon, Peppermint, at Marigold.
Maraming produktong sa merkado ang dinesenyo para pangontra sa mga insekto lalo na sa lamok. Halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod:
Ang mga produktong ito ay gawa sa mga natural na katas ng mga halaman na mabisang pangontra laban sa mga lamok. Ang mga laman ng katas ng mga ganitong spray at lotion kadalasan ay Eucalyptus, Cinnamon, Peppermint, Clove, at Germanium.
Epektibong panlaban ang ganitong uri ng repellent, ngunit ito ay hindi pang-matagalan at nawawala pagkatapos ang 3-20 na minutos. Kailangang ding magpahid muli matapos ang ilang oras.
Kadalasan, ang mga ganitong produkto sa merkado ay naglalalaman ng DEET na isang man-made chemical repellent.
Ang DEET ay isang epektibong pangontra laban sa lamok dahil nai-impluwensyahan nito ang receptors ng mga lamok kaya’t nahihirapan ang mga ito humanap ng posibleng biktima.
Dahil sa mataas na nilalamang DEET ng mga sintetikong repellents, nagiging mabisa itong pangontra laban sa mga insekto. Tumatagal ang mga epekto ng mga sintetikong repellent ng halos isa’t kalahating oras hanggang sa limang oras.
Iyon ang mga maaring pagmulan ng mga lamok at ang iba’t-ibang paraan para pigilan ang pag pasok at pag-gawa nila ng pugad sa iyong bahay.
Hindi rin maiiwasan na may mga mailap na insektong makapasok sa bahay, kaya naman tinalakay na rin namin ang mga paraan ng pagpuksa sa mga ito kung sakaling sila ay naka-pamugad na sa loob ng iyong bahay.
Kung gusto mong makasiguro na protektado ang iyong tahanan at pamilya, huwag ka nang mag-atubiling tumawag sa amin. Mahalaga din ang proteksyon laban sa iba pang peste tulad ng ipis at daga.
Laging handang tumulong ang Topbest, para masiguro na ang tahanan ninyo ay malinis at protektado mula sa mga lamok. Ikaw ay makakaasang masosolusyonan ang iyong problema—handa kaming dalahin ang iba’t ibang methods para sa mosquito prevention and control sa Pilipinas.
Para sa iyong mga karagdagang katanungan, bisitahin lamang itong page na ito!
Copyright © 2013 - 2023 by Topbest. SEO by SEO-Hacker. Optimized and managed by Sean Si.