Paraan kung Paano Maiiwasan ang Pamumugad ng mga Daga sa Inyong Tirahan

daga na nakatago sa lupa

Hindi madaling mamuhay ng may kasamang daga sa iyong tahanan. Hindi mapili sa pagkain ang daga; kahit ano ay kakainin nito. Marahil ay nakarinig na tayo sa balita ng mga tahanang nasunog dahil sa nasira na kawad ng kuryente. Isa sa mga madalas na itinuturong dahilan sa pagkasira ng mga ito ay dahil sa pag-ngatngat ng mga pesteng ito.

Ang mga daga rin ay maraming dala-dalang nakamamatay na sakit tulad ng leptospirosis at hantavirus. Marahil isa sa pinaka-malala at pinakasikat na sakit na idinulot ng daga at ang Bubonic plague. Ang Bubonic plague ay kumalat sa buong mundo noong ika-14 na siglo. Ito ay nagmula sa mikrobyo na Yersenis Pestis na nanggaling sa pulgas na dala ng mga daga. Halos kalahati ng populasyon ng Europa ay naubos at itinatayang 75 milyong tao ang namatay dahil sa sakit na dala ng mga dagang ito. Ito marahil ang naging dahilan upang itinuturing isang napakalalang uri ng peste ang mga daga.

Alamin natin kung ano nga ba ang iba’t-ibang klase ng mga daga, mga sanhi ng paglaganap nito, mga sakit na maaaring idulot nito, at ang mga paraan upang pigilan ang mga ito.

Ano ang Iba’t-Ibang Uri ng Daga?

malaking daga sa kamay

Ang daga ay miyembro ng Order Rodentia, isang malaking grupo ng mga mammal na may parehong mga katangian gaya nalamang ng squirrels at beavers.

Dalawa sa pinaka karaniwang uri ng daga ay ang bubwit at malaking daga.

Bubwit

Ang bubwit, o maliit na daga, ay malimit gamitin para sa eksperimentong pang-agham. Ito rin ay madalas na gawing alagang hayop. Ang bubwit ay itinuturing na peste ng marami pagkat ito ay at nagdadala ng mga karamdaman.

Ang karaniwang pagkain ng mga bubwit ay mga prutas at halaman, ang mga buto ng prutas, at kung ano mang pagkain na makukuha nila sa paligid. Ito ay isa rin sa mga dahilan kung bakit itinuturing na peste ang mga daga dahil bukod sa pagkain nito ng mga ani at iba pang pagkain na nakalaan dapat sa tao.

Malaking Daga

Ang malaking daga ay isa pang klase ng daga na kabilang sa pangkat na Rodentia. Ang malaking daga ay isang omnivore, ang tawag sa mga hayop na kumakain ng parehong karne at halaman. Sa madaling salita, kinakain nito ang kahit anong pagkain na makita nila. Kagaya ng bubwit, ito rin ang dahilan kung bakit sila ay lubhang nagdudulot ng malaking pinsala sa mga tao.

Ang malaking daga ay nahahati pa sa 56 na iba’t-ibang uri, ngunit ang dalawa sa pinaka-kilalang uri ng mga ito ay ang dagang itim at dagang kayumanggi. Kabilang ang dalawang ito sa mga itinuturing mga Old World Rats. Sinasabing nagsimula ang ilang pangkat ng malaking daga mula sa Asya.

Bihirang umabot sa timbang na 500 gramo ang mga malaking daga na nakatira sa kalikasan at karaniwan itong nabubuhay sa loob ng tatlong taon. Ang mga malaking daga na itinutiring alaga naman ay madalas humigit ang timbang sa 500 na gramo at umaabot ang buhay nito hanggang sa limang taon.

Mga Karagdagang Impormasyon Tungkol sa Daga

Nakalista sa ibaba ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa pesteng ito.

  • Bagamat maliit ang kanilang mga katawan, ang mga bubwit ay kayang kumain ng mahigit 15 hanggang 20 beses sa isang araw.
  • Ang isang bubwit ay kayang gumawa ng mahigit 40 hanggang 100 piraso na dumi sa isang araw.
  • Magaling sa pagtalon, pag-akyat, at pag-langoy ang mga bubwit.
  • Kayang mabuhay ng bubwit ng hanggang sa dalawang taon sa laboratoryo ngunit limang buwan lamang sa kagubatan dahil sa mga hayop katulad ng pusa, ahas, at ibon na kumakain sa kanila.
  • Pumapasok ang mga bubwit sa ating tahanan mula Oktubre hanggang Pebrero upang makaiwas sa lamig at makahanap ng pagkain.
  • Kapag ikaw ay nakakita ng isang bubwit sa iyong bahay, ipagpalagay mo na marami pang ibang nakatago sa paligid. Ang babaeng bubwit ay maaari nang manganak sa kanyang ika-dalawang buwan at kayang manganak ng 6 hanggang 10 beses sa isang taon.
  • Kayang pangalagaan ng malaking daga ang kanilang mga may sakit sa grupo.
  • Kapag ika’y nag-alaga ng malaking daga, siguraduhing may kasama ito dahil madaling malungkot ang mga ito kapag sila ay mag isa lamang.
  • Ang malaking daga ay may napakahusay na pag-alala. Kapag natutunan na nila ang isang daan, hindi na nila ito makakalimutan.
  • Kayang gumawa ng tunog na parang pagtawa ang malaking daga tuwing sila ay naglalaro.
  • Mas matagal na kayang hindi uminom ng tubig ng daga kaysa sa camel.
  • Ang buntot ng malaking daga ay tumutulong upang panatilihin ang balanse nito at pagpapanatili ng kanilang temperatura. Ito rin ay ginagamit nila sa pakikipag-usap sa ibang daga.

Ano ang Sanhi ng Pagkakaroon ng Daga sa Iyong Tahanan?

daga

Maraming iba’t-ibang dahilan kung bakit pipiliing manirahan ng mga daga sa ating mga tahanan. Hindi basta-basta lumilitaw ang daga sa mga bahay ng walang dahilan. Kabilang sa mga motibo ng daga ang paghahanap ng tirahan at pagkain. Mayroon din silang klase ng kapaligiran na kinahihiligan. Ang mga halimbawa ng ito ay makikita isa ibaba.

Maruming Kapaligiran

Ang mga piraso ng pagkain at basura ang nagkalat sa iyong bahay ay maaaring magdulot ng paninirahan ng mga daga. Mainam na isa-isip na ang mga daga ay kaya mamuhay sa kahit na anong pagkain katulad ng papel, damit, o kahoy.

Mga Lumang Gusali o Itinatayong Bagong Gusali

Ang mga lumang gusali ay kadalasang pinamumugaran ng mga daga, maituturing din itong dahilan ng pagdami ng bilang ng nasabing peste sa lungsod ng Maynila. Ito ay dahil madalas itong binubuo ng mga kahoy na maaaring nguyain and ngatngatin ng mga daga.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga itinatayong bagong gusali ay lapitin ng mga daga. Ang kahoy na ginagamit upang ito ay kumpletuhin ay ginagawang pagkain ng mga peste. Isa pang rason kung bakit ito madalas “bisitahin” ng mga daga ay dahil wala pa itong mga pinto o bintana na pumipigil sa pagpasok nila sa gusali.

Mga Naiwang Pagkain at Hindi Nakasarang Basurahan

Isa pang sanhi kung bakit mayroong daga sa iyong tahanan ay marahil palagi mong naiiwang bukas ang iyong mga basurahan. Upang maiwasan ito, kaugaliang nakasarang mabuti ang lahat ng basurahan na nakapalibot sa iyong tahanan.

Iwasan ding magiwan ng pagkain kung saan-saan. Kung maaari, hugasan mo agad ang mga kinainang mga plato, kutsara’t tinidor. Kahit ang pinakamaliit na butil ng kanin ay maaaring makain ng mga dagang hindi mapili sa kanilang mga kinakain. Siguraduhin mo na rin na lahat ng iyong pagkain ay nakaimbak ng maayos sa mga lalagyanang may maayos na takip.

Mga Hindi Napitas na Hinog na Gulay at Prutas sa Hardin

Maraming magandang dahil upang magkaroon ng hardin sa iyong tahanan—lalo na kung ito ay may mga bungang gulay at prutas na maaari mong gamitin sa iyong pagluluto, ngunit dapat ding tandaan na ang mga bungang ito ay maging dahilan kung bakit may isyung pest control sa iyong tahanan.

Isa lang ang solusyon para rito; ika-ugaliang pitasin ang mga prutas at gulay na malapit na mahinog o maaaring hinog na.

Magulong Tahanan at Madamong Hardin

Kahali-halina sa mga daga ang mga magugulong tahanan at madamong hardin. Mas ginugusto nila tirhan ang mga lugar na ito sapagkat marami silang nakukuhang pagkain sa kanilang mga lugar. Bukod pa rito, maaari silang magtago sa mga taong nakatira sa tahanang iyon. Upang ito ay maiwasan, dapat kang maglinis ng malimit.

Mga Nakaraang Impestasyon na Hindi Tuluyang Napuksa

Madaling maakit ang mga daga sa pamilyar. Kung ang iyong bahay ay mayroong pamilyar na amoy o materyales na nanggaling mula sa nakaraang impestasyon, maaring sundan ito ng panibagong kawan ng daga. Kung ikaw ay nagkakaproblema dahil dito, nararapat lang na ikaw ay kumonsulta sa mga eksperto sa pest control.

Ano ang Iba’t-ibang Klase ng mga Sakit na Maaaring Makuha mula sa Daga?

Tulad ng nabanggit na namin, ang daga ay maaaring magdala ng mga iba’t ibang sakit. Ang mga halimbawa nito ay:

Leptospirosis

Marahil isa sa pinakasikat na sakit na dala ng daga sa Pilipinas, ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyon dulot ng bacteria na tinatawag na Leptospira na nagmumula sa ihi ng mga hayop. Madalas itong makuha sa tubig-baha.

Kabilang sa mga sintomas ng leptospirosis ang lagnat, sakit ng ulo, panginginig, pananakit ng kalamnan, pagsusuka paninilaw ng mata at balat, pagtatae, pagpapantal, at pamumula ng mata. Dalawa hanggang apat na linggo ang tinatayang panahon bago magpakita ang sakit mula sa pagkaimpeksyon. Kasalukuyan, ang leptospirosis ay nalulunasan ng antibiotics kagaya ng penicillin o doxycycline.

Hantavirus

Ang Hantavirus ay unang natuklasan sa Hantan River, South Korea. Bago ito nadiskubre, may ilang mga kaso kung saan hindi ito naagapan. Gaya ng leptospirosis, makukuha ang Hantavirus mula sa ihi, laway, at dumi ng mga dagang nagdadala nito. Hindi naaapektuhan ang mga dagang may dala ng Hantavirus kaya hindi sila nagkakasakit mula rito.

Mabilis at malupit ang epekto ng virus sa mga taong apektado nito. Ilan sa mga sintomas na dulot nito ay lagnat, trangkaso, pananakit ng tiyan, pag-ubo, hirap sa paghinga, at pagkahilo. Maaring kumalat ang Hantavirus sa sistema ng biktima nito sa loob lamang ng tatlong linggo. Kasalukuyang walang gamot ang Hantavirus at kung mapabayaan, mataas ang kasiguraduhan ng kamatayan ng biktima nito.

Murine Typhus

Ang Murine typhus ay isang sakit na maaring kumalat mula sa bacteria na Rickettsia typhi at maaring makuha mula sa pulgas ng daga. Hindi gaanong kilala ang sakit na ito at madalas na napapagkamalang dulot ng isang virus. Madalas ding hindi nalalaman ng tao na siya ay nahawaan na ng sakit na ito dahil hindi nila nararamdaman ang kagat ng pulgas.

Ang mga sintomas ng Murine typhus ay pagsakit ng ulo, pananakit ng mga kasukasuan, pagkahilo, at pagsusuka. Kalahati sa mga biktima nito ay maaaring magpantal sa loob ng anim na araw matapos magpakita ang mga sintomas. Halos kalahati rin sa mga may sakit ay maaaring magkaroon ng komplikasyon sa utak tulad ng pagkalito, seizures, o pagkawala ng balanse. Ang sakit na ito ay nakamamatay kapag pinabayaan subalit madaling malunasan gamit ang antibiotic.

Rat-Bite Fever

Ang lagnat na ito na tinatawag na rat-bite fever, ay isang klase ng impeksyon na makukuha mula sa kalmot o kagat ng daga. Ang impeksyon na ito ay dulot ng bacteria na Streptobacillus o Spirillum minus na kadalasang mahahanap sa mga daga.

Ang mga sintomas nito ay sakit ng ulo, pagsusuka, lagnat, at kirot sa likod at kasukasuan. Maaaring umabot ng halos na 10 na araw bago magparamdam ang mga ito. Kung hindi agad naagapan, maaaring makamatay ang sakit na ito. Malulunasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotic sa loob ng pitong araw mula sa paglabas ng sintomas–kumonsulta lamang sa iyong doktor.

Paano Iwasan ang Mga Sakit Dulot ng mga Daga?

itim at puti na daga

Maraming paraan upang maiwasan mo ang mga sakit na aming nabanggit. May iilang paraan para ito ay hindi mo makuha.

Isara ang Lahat ng Maaaring Pagpasukan ng mga Daga

Kayang lumusot ng daga sa mga butas na mas maliit pa kaysa sa kanila. Sa katunayan, kaya rin nilang lumundag at umakyat sa mga lugar na hindi mo aakalaing maabot ng kahit na sino. Dahil dito, kailangang mong maging masigasig sa pagtatakip ng mga butas at lusutan na maaaring pasukan ng mga daga. Kahit anong butas na may lapad na 60mm hanggang 120mm ay kayang pasukin ng mga daga. Karaniwang mahahanap ang mga butas na ito sa paligid ng mga tubong papasok sa bahay, sa ilalim ng sahig, o sa pagitan ng kisame at bubong.

Linisin ang mga Pinagkainan

Masinsinang linisin ang mga lugar kung saan ang pagkain ay inihahanda, niluluto, o kinakain. Walisin ang mga nahulog na pagkain sa ilalim ng hapag-kainan at punasan ang mga lamesa upang linisin ito mula sa tirang pagkain. Hugasan ang mga pinggan araw-araw tuwing matapos kumain upang hindi magkaroon ng pagkakataon na makakain ang daga. Linisin pati ang kainan ng iyong mga alagang hayop at siguraduhin na wala kang maiiwang pagkain nila sa gabi.

Panatilihing Malinis ang Kapaligiran

Magsimula sa pagputol ng mga matataas na damo sa paligid ng iyong bahay. Tanggalin ang mga lumang kasangkapan o anumang malalaking bagay na maaaring pamugaran ng mga daga. Siguraduhin na ang mga gamit na kailangan itabi sa labas ng bahay ay naka-angat at malayo mula sa mga bakod at ibang istraktura. Itabi ang mga gamit sa loob ng bahay na nakakalat sa sahig at ilagay ito sa mga aparador. Iwasan maglagay ng masyadong maraming bagay sa loob ng mga aparador at ilagay sa hiwalay na plastic containers ang mga kagamitan.

Tumawag ng Eksperto

Kung malala na ang sitwasyon, maaaring tumawag ng eksperto upang solusyunan ang problema sa daga. Ikaw ay makakasigurado na malulunasan nila ang iyong problema sa daga.

Paano Mapapanatiling Ligtas ang Iyong Tahanan mula sa mga Daga?

Ang iyong tahanan ay para sa iyo at iyong pamilya lamang. Huwag hayaang kumalat at maminsala ang mga pesteng daga or iba pang peste tulad ng ipis sa pamamagitan ng paglinis ng iyong kapaligiran. Iwasan din ang mga bagay na maaaring magdulot ng daga sa iyong tirahan.

Sa oras ng pangangailangan, maaari ring tumawag ng mga eksperto sa peste gaya ng Topbest Philippines. Nais mo bang alamin ang iba pa namin serbisyo? Maaari mong i-click ang link na to.