Hindi biro ang ipis. Kahit ito ay maliit lamang, marami sa atin ang nanginginig sa takot ‘pag nakita ‘to—lalung-lalo na ‘pag ibinuka na nito ang kanyang pakpak at nagsimulang lumipad. Hindi man ito nangangagat gaya ng mga lamok ay ibang takot pa rin ang dinudulot nito.
Maliban sa pagiging isa sa mga nakakakilabot na insekto, laganap din ang ipis sa iyong paligid. Kahit saan ka tumingin, matatagpuan mo sila. Mapaloob man ng bahay, o mapalabas, kung san makikita mo ang isang malaking kumpol ng ipis na nagliliparan na animo’y mga ibon.
Paminsan pa, kahit kaka-spray mo lang ng insecticide sa kwarto mo, kinabukasan lang ay may matatagpuan ka na namang ipis na pasulyap sulyap mula sa isang sulok. Tila hindi ata sila nauubos. Ang problemang ito ay nararanasan ng maraming Pilipino sa kani-kanilang tahanan.
Marami rin bang ipis sa bahay mo, ipis na gustung-gusto mo nang mawala nang tuluyan? Ipis na parati ka na lang pineperwisyo?
Tatalakayin ng artikulong na ito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa pesteng ito, at kung papaano ito kokontrahin.
Ito ay isang insekto na matatagpuan sa kahit saang sulok ng mundo, at isa rin ito sa pinakaprimitibong insekto na nabubuhay ngayon. Maituturing din silang peste dahil kaya nilang magkalat ng iba’t-ibang uri ng mga sakit.
Nagmula ang pangalan na ito sa Kastilang salita na cucaracha—ang ibig sabihin nito ay “baliw na insekto.” Kapag nakita mo itong lumilipad na tila isang lasing, hindi ka na magtataka kung papaano nakuha ng ipis ang pangalan nila.
Maaaring lumagpas ang haba ng ipis sa 2 pulgada. At mas malalaki ang mga ‘to sa mga lugar na may mainit na klima. Mayroon itong 6 na paa, 2 antena, at ang iba ay mayroon ding pakpak. Ginagamit nito ang antena para kumain, umamoy, at rumamdam.
Wala silang problemang umakyat sa mga pader. At dahil nga payat at manipis ang katawan nila, madali lang para sa mga ito ang lumusot sa mga sulok at sa mga masisikip na parte ng iyong bahay. Maliban dito, paborito nilang lugar ang kusina, banyo, at labahan.
Maliban sa mga bahay, matatagpuan din ito sa mga iba pang gusali, gaya ng mga restawran, panaderya, palengke, plantasyon ng pagkain, ospital, at iba pa. Susugod sila kung saan man maraming mapagkukunan ng pagkain, o kaya ng tubig (gaya ng basement, steam tunnels, at iba pa).
May halos 4,000 na uri ng ipis na meron sa buong mundo, maliban sa Antarctica. Mahilig ang ipis sa lugar na mainit at mabasa-basa, o kung saan may pwede silang pagkunan ng tubig. Kaya naman hindi nakakapagtaka na pinipili nilang makitira sa mga bahay bahay kung mabibigyan ng pagkakataoon.
Hindi na rin nakakapagtaka na karamihan ng 4,000 na uri ng ipis ay makikitang sa tropiko, o sa bansang may maiinit na klima—at kabilang na nga rito ang Pilipinas.
Kahit na sobrang daming perwisyo na naidudulot ng ipis, hindi maikakaila na kamangha-mangha sila, lalo na pag nalaman mo ang iba pang mga detalye tungkol sa mga pesteng ito.
Nakalista sa ibaba ang mga ibang impormasyon tungkol sa ipis:
Minsan, kahit hindi mo pa nakikita mismo ang ipis, may mga senyales nang magbubunyag na sila ay namamahagi sa iyong tahanan. Kung maselan ang iyong ilong, mapapansin mo na ang masangsang na amoy nito. Makikita mo ring pakalat-kalat ang mga dumi nito (na kadalasan ay napagkakamalang dumi ng daga), o ang mga itlog.
Bukod pa roon, ang mga itlog nito ay parating nakikita sa mga sumusunod:
Kapag may natagpuang ipis sa bahay mo, malamang na malamang ay may magsasabing dahil hindi ka marunong maglinis.
Gayunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay totoo ito. Kahit nga sa pinakamalinis na syudad ay may ipis pa rin na pagala-gala.
Kahit na kadalasan ay pagiging madumi ang sanhi ng paglitaw ng pesteng ito, marami pa ring maging ibang pwedeng dahilan kung bakit nagsusulputan ang ipis. Paminsan pa nga, kahit anong gawin mong linis ng kusina, banyo, at mga lapag ay andiyan pa rin sila, patuloy kang gagambalain sa iyong mga gawain.
Kung ang mga senaryong ito ay madalas mong nararanasan, makakainam para sa iyo (pati na rin sa iyong pamilya) na alamin ang mga iba-ibang paraan upang sila ay tuluyang alisin sa inyong tahanan.
Matindi nga naman ang katatagan ng ipis. At dahil nga sa galing ng survival instincts nila, hindi ka magtataka na sobrang tagal na panahon na nilang nabubuhay sa mundo.
Pero hindi ibig sabihin nito ay huli na ang lahat. May mga pwede ka pa ring gawin para sugpuin ang mga ipis sa tahanan mo.
Ang pinakaimportanteng bagay na dapat mong tandaan ay panatilihing malinis ang bahay mo.
Mangyaring sundin mo ang mga sumusunod na hakbang:
Isa pang rason kung bakit nakakaperwisyo ang mga ipis ay—gaya na lang ng iba pang peste—kaya nitong maglaganap ng mga sakit. Idagdag mo pa na parating nasa maduduming lugar ang mga insekto na ito. Dahil dito, madali nitong maikakalat ang kung anu-ano mang dumi o mikrobyo na nakuha nito hindi lamang galing sa bahay mo, ngunit maaari rin mula sa labas.
Hindi man ito direktang nagdudulot ng mga sakit gaya ng lamok at iba pang peste, ang mga mikrobyo na bitbit ng mga ito ay pwedeng humantong sa mga katakot-takot na kalagayan.
Ang pinakamaaapektuhan ay ‘yung may hika at allergy, dahil maaaring lumala ang mga kondisyon na ito dahil sa ipis.
Kahit na kayang kumagat ng ipis, hindi ka naman dapat kabahan kung sakaling makagat ka nito. Hindi seryoso ang kagat nito. Ang mga sakit ay kadalasan lamang na naikakalat sa pamamagitan ng kontaminasyon—kontaminasyon mula sa kanilang katawan, sa kanilang dumi, sa kanilang laway, at sa kanilang suka.
Ano nga ba ang mga maaari mong makuhang sakit mula sa pesteng ito?
Ito naman ang mga kadalasang dala-dalang organismo ng ipis:
Ang Salmonella typhi ay nagdudulot ng typhoid fever, isang nakakamatay na sakit. Mahigit 20 milyong katao ang naaapektuhan nito taun-taon.
Para maiwasan ang sakit na ito, ang iba ay nagpapabakuna.
Ang mga sintomas nito ay: pananakit ng tiyan, panghihina, pananakit ng ulo, kawalan ng gana sa pagkain, at pagkakaroon ng pantal.
Ang organismo na ito ay nagdudulot ng amoebiasis. Nakukuha ito kapag nakakain o nakasubo ka ng kahit anong may bahid ng dumi ng tao o bahid ng E. histolytica.
Ang mga sintomas ay: pananakit ng tiyan, diarrhea, dugo sa dumi, at lagnat.
Ang organismong ito ay nagdudulot ng shigellosis. Ito ay madalas na inihahalintulad sa amoebiasis.
Ang masama pa sa sakit na ito ay madali itong ipasa sa ibang tao.
Ang mga sintomas nito ay: diarrhea, lagnat, at pananakit ng tiyan.
Dala-dala ng mikrobyong ito ang cholera. Laganap ang cholera sa mga maduduming lugar, kung saan parating kontaminado ang pagkain at tubig. Umaabot sa 4 milyon ang kaso ng cholera taun-taon.
Ang mga sintomas nito ay: dehydration, pagkahilo, pagsusuka, at diarrhea.
Kabilang ang ipis sa mga pesteng maaaring magkalat ng leprosy. Sinasabi na dumi ng ipis ang pinanggagalingan ng sakit na ito.
Ang mga sintomas nito ay: pagkawala ng pakiramdam sa iyong binti, paa, braso, at kamay, pagkahina ng iyong kalamnan, at skin lesions.
Ang E. coli ay maaaring magdulot ng pagkalason. Maliban sa diarrhea at pananakit ng tiyan,
Ang mga sintomas nito ay: lagnat, pagkahilo, panginginig, at pananakit ng kalamnan.
Walang may gusto ng ipis. Maliban sa pagiging malaking perwisyo nito, maaari rin itong magdulot ng iba’t-ibang sakit.
Kung gusto mong tiyakin na wala ng nagtatagong ipis sa kung saan mang sulok ng iyong bahay, o kung nangangailangan ka na ng tulong sa pagkontrol ng pag dami nito, andito ang Topbest pest control service para tugunan ang mga problema mo sa cockroaches.
Mayroon kaming sapat na kaalaman at epektibong mga kagamitan na ginagarantisadong mapupuksa ang mga peste sa iyong tahanan.
Kung interesedo ka sa aming mga serbisyo, o kung gusto mong mainspeksyon ang iyong gusali, ‘wag mag alangangang tawagan ang Topbest ngayon!
Bisitahin lamang ang page na ito!
Copyright © 2013 - 2023 by Topbest. SEO by SEO-Hacker. Optimized and managed by Sean Si.