Mga Natural at Mabisang Pamatay sa Anay

Mga Natural at Mabisang Pamatay sa Anay

Ano ang mga natural at mabisang pamatay sa anay?

  • Orange Oil
  • Mainit at malamig na temperatura
  • Boric Acid
  • Mga patibong na gawa sa karton
  • Sodium Chloride

 

Ang mga anay ay mga pesteng pwedeng sumira ng iyong tahanan—lalo na kung hindi mo maagapan ang pagpasok nila sa iyong bahay. Kaya naman importante na protektahan ito sa simula pa lamang.

Napakahirap solusyonan ang paglaganap ng anay sa iyong bahay sapagkat hindi lamang isa ang nakatira kasama ng iyong pamilya, kundi isang buong kumpol. Kapag nangyari ito, malamang masisira ang buong istruktura ng iyong tahanan. Maliban pa rito, sila rin ay maaaring sumira sa iyong kagamitan sa bahay.

Ngunit, hindi mo kailangan mag-alala dahil may iilang solusyon ang iyong pwedeng gawin. Ang isa sa mga rito ay ang pagtawag sa mga ekspertong pumupuksa sa mga pesteng kagaya na lamang ng anay. Bukod pa rito, maaari ka rin sumubok ng mga natural at mabisang lunas para mapaalis ang mga pesteng ito sa iyong tirahan.

Ang iilang halimbawa ng mga natural na remedyong maaari mong subukan ay ang mga ito:

Orange Oil

Orange Oil

Sa isang eksperimento sa isang laboratoryo, natuklasan na ang orange oil extract ay mabisa na pamatay ng mga anay. Ang porsyento nga mga anay na namatay sa eksperimentong iyon ay nasa 68-96%. Ang mga anay na hindi namatay sa langis na ito naman ay nakitaan ng kahinaan sa pagkain ng kahoy.

Nadiskubre sa eksperimentong ito na ang orange oil ay may kasangkapan na d-limonene ay nakakalason sa mga pesteng kagaya na lamang ng anay. Natuklasan din nila na mabisang ilagay ang orange oil malapit sa pinagpupugaran ng mga anay sa iyong bahay.

Gumawa ng mga maliliit na butas sa mga lugar na pinagbahayan ng anay at i-inject ang orange oil dito. Ito ay eepekto sa loob ng tatlong araw hanggang sa tatlong linggo, depende sa kalubhaan ng paglaganap ng mga anay sa iyong tahanan.

 

Hot and Cold Treatment

Hindi nakakatagal ang anay sa mga sobrang init at lamig na temperatura. Ang mga temperatura na mas mataas sa 48 degrees o mas mababa sa -28 degrees Celsius ay nakakatulong na pumatay ng anay. Painitin ang materyales na kahoy sa temperaturang 48 degree Celsius at patagalin ito ng 33 na minuto.

Maaari mo ring ilagay ang kagamitan na gawa sa kahoy o kahit ano pa man, sa ilalim ng araw. Ito ay magbibigay daan sa pag-evaporate ng moisture na nilalaman nito. Maaaring mamatay ang mga anay o lubayan na nila ang iyong gamit na gawa sa kahoy. Ang init na ito ay isang non-chemical na paraan para sa pagpatay ng anay. At hindi mo na kinakailangang gumastos para rito.

Kung gagamitan mo naman sila ng malamig na temperatura, gumamit ka ng liquid nitrogen. Gumamit ka rin ng special equipment para i-inject ang nitrogen sa mga maliliit na butas. Iwanan ito sa -29 degrees Celsius sa loob ng 5 na minuto. Hindi nila kayang mamuhay sa ganitong kalamig na temperature; kusa nalang silang mamamatay.

 Boric Acid

Boric Acid

Ang boric acid ay isang natural na insecticide na sumisira sa nervous system ng mga anay at nagiging sanhi ng kamatayan nila. Para gamitin ito, ihalo lamang ang boric acid powder sa tubig at ilagay ito sa ibabaw ng kahoy gamit ang paint brush para itaboy na nang tuluyan ang mga anay. Maaari mo rin itong gamitin sa iyong hardin o kwarto, mag halo lamang ng solusyon na nabanggit.

Maaari mo ring i-spray o pinturahan ng borate ang iyong gamit na gawa sa kahoy, para mababad ito sa crystallized boric acid. Kapag kakainin na ng mga anay ang kahoy na ito, sila ay tuluyang malalason. Siguraduhin lamang na magsuot ng masks at guwantes kapag gagamit ng boric acid dahil ito rin ay mapanganib para sa tao.

 

Mga Patibong na Gawa sa Karton

Hindi lamang kahoy ang kinakain ng mga anay, pati na rin ang mga papel at karton. Lahat na mayroong cellulose ay pagkain ng anay. Maaari mong gamitin ito para sa mabisang pagpatay sa mga pesteng ito. Gamitin ang karton para gumawa ng patibong na tutulong maglinis ng iyong bahay laban sa anay.

Basain ang karton at ilagay sa mga apektadong lugar para maakit ang mga anay. Kapag napuno na ang karton ng mga anay, gumamit ng guwantes para hawakan ito. Silaban ang karton at ulitin hanggang sa maubos ang mga anay.

Sodium Chloride

Sodium Chloride

Ang sodium chloride ay isa ring mabisang insecticide. Ito ay isang kasangkapan na makikita mo lamang sa iyong kusina. Ang asin ay isang mabisang pamatay ng anay dahil ito ay merong cellulose na paboritong pagkain ng mga anay.

Para gamitin ito laban sa mga anay, ihalo ang asin sa baso ng maligamgam na tubig. Magbabad ng bulak sa solusyon at ilagay ito sa lugar kung saan sila namumuhay. Lalapitan nila ang bulak dahil sa cellulose na nilalaman nito. Hindi lamang mabisang pamatay ng anay ang paraan na ito; ito rin ay isang epektibong paraan para makapagpigil sa mga anay na bumalik pang muli.

 

Konklusyon

Ang mga natural at mabisang paraan para pumatay ng anay ay isang alternatibong maaari mong gawin bago tumawag sa pest control services. Ang mga materyal na gagamitin dito ay madali lamang mahahanap sa iyong bahay.

Paano Protektahan ang Iyong Bahay mula sa mga Anay

Paano Protektahan ang Iyong Bahay mula sa mga Anay

Ano ang mga paraan para protektahan ang iyong bahay mula sa mga anay?

  • Ihanda ang iyong tahanan para maiwasan tumira ang mga anay dito.
  • Hanapin ang kolonya ng mga anay
  • Alamin ang kinakailangan mong gawin upang mapalayas ang mga anay sa iyong tahanan

 

Hindi maiiwasang magkaroon ng mga karaniwang peste sa iyong bahay katulad ng ipis, lamok, langgam, at anay. Pest control ang mabisang sagot sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid ng iyong tahanan at iwasan ang pagdami ng kanilang uri.

Ngunit, paano mo malalaman kung kanino ka sasanguni kung marami ang nag aalok sa iyo ng kanilang serbisyo ng pest control? Ang anay pa naman ay isang uri ng peste na mahirap iwasan lalo na kung mayroon kang mga istruktura na gawa sa kahoy sa iyong bahay.

Kinakailangang protektahan mo ang iyong bahay laban sa anay dahil mahirap palitan ang mga kasiraan na kanilang ihahatid sa iyong mga pag-aari katulad ng mga papel, damit, mismong yari ng iyong bahay, at pan minsan, ang iyong pinagipunang pera. Napakahalagang iwasan ang pagkakaroon ng mga lugar sa iyong bahay na maaaring pasukin ng kolonya ng mga anay.

Pag uusapan natin sa artikulong ito ang mga epektibong paraan upang puksain ang mga anay, basahin ang mga sumusunod para hindi na maging problema ang pag bisita ng anay sa iyong iniingatang bahay:

 Ihanda ang Iyong Tahanan para sa Posibleng Paninirahan ng Anay

Ihanda ang Iyong Tahanan para sa Posibleng Paninirahan ng Anay

Bago pa man itayo ang bahay, maghanda na ng mga paraan para pigilan ang pagbisita ng mga anay. Isabay ang paglalapat ng lunas para sa lupa laban sa mga anay. Magkaroon ng treatment sa palibot ng lupa ng iyong bahay nang hindi na makalapit ang mga anay. Tumawag sa pest control service upang kumonsulta tungkol sa mabisang lunas para makaiwas sa anay habang itinatayo ang iyong bahay.

Iwasan ring gumamit ng mga marupok na material ng kahoy. Ang mga manipis at mahinang uri ng kahoy ay dapat huwag gamit sa pag tayo ng iyong tahanan sapagkat ang mga ito ay madalas pamugaran ng mga anay. Kung maaari, iwasan din ang pagsandal sa kahoy sa mga pader dahil puwedeng maging daanan ito ng mga anay para pumasok sa loob ng iyong bahay.

Suriin din ang paligid ng iyong bahay kung ito ay protektado mula sa mga posibleng paninirahan ng kolonya ng anay. Ang mga puno ay hindi dapat nakadikit sa anumang uri ng materyal sa iyong bahay na gawa sa kahoy at huwag din itong idikit sa bubong dahil pwede rin itong daanan ng mga peste katulad ng langgam at anay.

 

Hanapin ang Mismong Kolonya ng mga Anay

Malaki ang posibilidad na hindi malutasan ng pest control service o ng natural na gamot ang pagdami ng mga anay kung hindi mo alam kung saan nanggagaling ang mga pesteng ito. Upang mapuksa ito, kailangang mapatay ang kanilang tahanan kasama ng kanilang kolonya. Kung gagamit ng boric acid, maging maalam sa mga posibleng panganib na makukuha dito.

Mabuting pag-aralan muna ang paggamit nito dahil hindi ito simpleng kagamitan sa bahay. Ang pulbos nito ay may mapanganib na epekto sa mga bata o sanggol kung ito ay nalanghap nila. Kung gagamitin ang boric acid sa kusina, sala, o kwarto, siguraduhin munang hindi ito mapupunta sa kubyertos at iba pang mga kasangkapan sa bahay.

Kumunsulta sa isang grupo na nagbibigay ng serbisyong pest control, at ang mga anay ay hindi na ulit mangagambala sa iyo. Dumulog sa kanila nang malaman mo rin ang mga tamang hakbang laban sa pagdami ng anay sa loob at sa labas ng iyong tahanan. Huwag basta gumamit ng kemikal sa loob at labas ng bahay, alamin muna kung ano ang nararapat na aplikasyon para dito.

Alamin ang Lahat ng Impormasyon Tungkol sa Anay

(Source: articles.extension.org)

Alamin ang Lahat ng Impormasyon Tungkol sa Anay

Upang maitaboy ang mga anay na maaring sumira sa bahay na iyong pinaghirapang makuha, alamin muna kung ano ba ang mga pinsala na maaaring maidulot nito sa iyong mga ari-arian at kung ano ba talaga ang kayang gawin nitong pesteng ito. Halimbawa, ang anay ay kumakain ng malalambot na kahoy at mga tuyong halaman.

Marapat lang din na alamin ang mga senyales ng pag bisita ng anay sa iyong bahay. Madalas na naninira sila ng mga gamit nang hindi mo nalalaman kaya bago pa man ito mangyari, iwasan na ang kanilang paninirahan sa mga silid ng iyong tahanan. Dapat mo rin malaman na palagi silang makikitang sa kanilang mga kuyog o grupo kaya kailangan mo munang matukoy kung saan nila itinayo ang kanilang pugad.

Ang mga anay din ay kumakain buong araw at buong linggo nang walang pahinga kaya ito ay masamang balita para sa iyong mga kagamitan at sa iyong puhunan na inilaan para sa mga ito. Ang mga pakpak ng mga anay ay maaaring kumalat kapag nakakahanap sila ng ibang lokasyon para gawing tirahan. Hanapin ang mga ito at dumulog na agad sa mabisang pest control service.

Ang mga anay ay may kakayahang ngatngatin ang kahoy, sahig, pader, at iba pang mga istruktura ng iyong bahay. Sila ay nakakapasok sa mga maliliit na lagusan sa labas ng iyong bahay. Maaari rin silang mag iwan ng mud trail na senyales ng kanilang presensya sa iyong bahay.

 

Konklusyon

Ang mga anay ay ang mga pangunahing peste na dapat mong iwasan sa iyong bahay. Hindi lamang ang iyong kagamitan ang kanilang puntirya pero pati na rin ang istruktura ng iyong bahay. Sundin lamang ang mga paraang makikita sa itaas para ma-protektahan ang iyong bahay. Mainam din tumawag sa isang epektibong pest control service para agad masolusyunan ang iyong problema!