Karaniwang Lungga ng Mga Anay sa Iyong Bahay

Sufficient Knowledge About Types of Termites

Saang parte ng iyong bahay karaniwang naninirahan ang mga anay?

  • Bubong
  • Kisame
  • Sala
  • Kusina
  • Garahe

 

Taon taon, milyon-milyon ang nagagastos ng kalahatan para lang mapagawa ang mga bahay na tuluyan nang nasira ng mga anay. Isa ang mga ito sa pinakamapanirang peste sa balat ng lupa at kaya nitong pababain ang halaga ng isang ari-arian ng mahigit-kumulang 25%. Gustuhin man iwasan ng mga homeowners ang pesteng ito, minsan huli na ang lahat bago pa sila makatawag ng pest control para sa anay.

Hindi naman misteryo kung bakit hindi agad nakikita ang mga anay at ang pinsala na dulot nila. Sadya namang nagtratrabaho sila sa dilim at naninirahan kung saan hindi sila agad makikita. Higit pa rito, hindi rin naman alam ng karamihan kung saan sila mahahanap. Tanging ang mga eksperto lamang ang nakakaalam ng mga lihim na tirahan ng mga anay.

Kabilang kami sa populasyon ng ekspertong may malalim na pagkakaintindi sa mga anay. Alam namin kung paano at bakit sila kumikilos at alam din naming kung saan sila naninirahan. Nais namin ibahagi sa inyo ang impormasyon na ito. Importanteng malaman ng mga tao ang karaniwang lungga ng anay sa kanilang bahay para hindi tuluyang magkaroon ng infestation sa kanilang mga bahay.

 Bubong

Bubong

Ang sira at bungo-bungong bubong ay nagiging sanhi ng moisture at damp build-up na umaakit sa mga anay. Ito ay nangyayari buong taon ngunit mas malala sa panahon ng tag-ulan. Bukod sa pag-akit sa mga anay at pagsilbing tahanan ng mga ito, nagiging entry point din ito ng iba’t-ibang peste maliban sa anay. Ito ang ginagamit nilang pasukan papunta sa iyong bahay at kumakalat na sila sa iba’t ibang lugar mula rito.

Upang maiwasan ang sitwasyon na ito, siguraduhing buo at maayos ang iyong bubong. Ipagawa kung kailangan at palitan ang mga sirang tiles na nakalaat dito. Tignan din ang dampness ng iyong bubong at tanggaling ang humidity kung kailangan. Maaari naman tumawag ng eksperto kung hindi mo alam kung paano gawin ang mga ito.

 

Kisame

Kung magmumula sa bubong ang mga anay, natural lang na ang sunod nilang pupuntahan ay ang iyong kisame o ang loob ng iyong kisame. Kung may attic naman ang iyong bahay ay doon mo sila makikita. Ninanais nila ang mga lugar na ito kung saan walang liwanag, mamasa-masa ang paligid, at may pinagmumulan ng pagkain.

Kapag nakapasok na sila sa iyong kisama, uunahin nila ang mga wooden beams na sumusuporta sa bubong ng iyong bahay. Hindi mo agad makikita ang epektong dulot ng mga anay, ngunit pag dating ng panahon, tiyak ay mababawasan ang pundasyon sa iyong tahanan na maaaring maging sanhi ng pagkasira nito.

 Sala

Sala

Mabuti ring suriin ang iyong sala lalo na kung marami kang kasangkapan at kagamitan na gawa sa kahoy. Ang mga anay na makikita mo sa iyong sala ay hindi lamang nagmula sa kisame, maaari ring nagmula sila mula sa lupa sa ilalim ng iyong bahay. Kaya naman kapag nakita mo sila sa iyong sala, huwag ka nang magulat pag nakita mong sira ang iyong sahig.

Para maiwasan ang pagkalat ng anay sa iyong sala, subukang gumamit ng mga bagay na gawa sa metal. Kung hindi naman ito maari at mas pipiliin pa rin ang kahoy, siguraduhin na lang na treated ang kagamitan na gagamitin at hindi makakain ng anay. Kaugalian na ring suriin ang iyong sahig at kagamitan para sa kahit anong aktibidad na maaaring maugnay sa mga anay.

 

Kusina

Isa pang lugar sa iyong bahay na maituturing langit para sa mga anay ay ang iyong kusina. Hindi lang ito lugar kung saan marami silang makikitang pagkain, marami ring entry at exit points sa iyong kusina.

Isa na rito ang mga tumagatagas na tubo na gumagawa ng moisture at dampness, na tulad ng iyong bubong, ay nang-aakit ng mga anay. Ang mga bintana’t pinto rin naman ay dapat panatilihing nakasara upang di makapasok ang mga anay lalo na tuwing swarming season. Madalas din silang nangingitlog sa siwang ng iyong bintana’t pinto kaya lagi itong tignan at linisin.

 Garahe

Garahe

Para sa karamihan, ang garahe ay hindi lamang para sa kanilang kotse, kadalasang dito tinatambak ang mga kagamitang sira na o kaya nama’y wala nang silbi. Ang mga bagay na dapat nang itapon o ipamigay ay ipinapasok lamang sa mga karton at iniimbak sa isang tabi.

Mahalaga lamang na malaman mo na ang mga ito ay pagkain para sa mga anay. Gawa rin naman sa kahoy ang mga karton at mayroon din itong cellulose na mahalag sa kanilang diyeta. Mas nagiging kaakit-akit pa ito dahil may mga bulok na kagamitan sa loob na maari nilang gawing tahanan ng walang nakakapansin.

Kaya naman kung ika’y may garahe ay wag itong tambakan ng basura. Kung kailangan magtabi ng kagamitan, gumamit ng plastik na lagayan para hindi ito makain ng mga anay.

 

Key Takeaway

Maraming maaaring tirhan ang mga anay sa iyong tahanan. Sa katotohanan, kahit saang parte na madilim, mamasa-masa, may moisture, at may direktang source ng pagkain ay maaari silang manirahan.

Mas madalas at mas karaniwan lamang silang makita sa mga lugar na nakalista sa lugar na ito kaya’t iyon ang mga kailangan suriin. Kung ikaw ay nangangailangan ng higit pang tulong, huwag mag-atubiling tumawag ng anay at pest control services!

Paano Protektahan ang Iyong Bahay mula sa mga Anay

Paano Protektahan ang Iyong Bahay mula sa mga Anay

Ano ang mga paraan para protektahan ang iyong bahay mula sa mga anay?

  • Ihanda ang iyong tahanan para maiwasan tumira ang mga anay dito.
  • Hanapin ang kolonya ng mga anay
  • Alamin ang kinakailangan mong gawin upang mapalayas ang mga anay sa iyong tahanan

 

Hindi maiiwasang magkaroon ng mga karaniwang peste sa iyong bahay katulad ng ipis, lamok, langgam, at anay. Pest control ang mabisang sagot sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid ng iyong tahanan at iwasan ang pagdami ng kanilang uri.

Ngunit, paano mo malalaman kung kanino ka sasanguni kung marami ang nag aalok sa iyo ng kanilang serbisyo ng pest control? Ang anay pa naman ay isang uri ng peste na mahirap iwasan lalo na kung mayroon kang mga istruktura na gawa sa kahoy sa iyong bahay.

Kinakailangang protektahan mo ang iyong bahay laban sa anay dahil mahirap palitan ang mga kasiraan na kanilang ihahatid sa iyong mga pag-aari katulad ng mga papel, damit, mismong yari ng iyong bahay, at pan minsan, ang iyong pinagipunang pera. Napakahalagang iwasan ang pagkakaroon ng mga lugar sa iyong bahay na maaaring pasukin ng kolonya ng mga anay.

Pag uusapan natin sa artikulong ito ang mga epektibong paraan upang puksain ang mga anay, basahin ang mga sumusunod para hindi na maging problema ang pag bisita ng anay sa iyong iniingatang bahay:

 Ihanda ang Iyong Tahanan para sa Posibleng Paninirahan ng Anay

Ihanda ang Iyong Tahanan para sa Posibleng Paninirahan ng Anay

Bago pa man itayo ang bahay, maghanda na ng mga paraan para pigilan ang pagbisita ng mga anay. Isabay ang paglalapat ng lunas para sa lupa laban sa mga anay. Magkaroon ng treatment sa palibot ng lupa ng iyong bahay nang hindi na makalapit ang mga anay. Tumawag sa pest control service upang kumonsulta tungkol sa mabisang lunas para makaiwas sa anay habang itinatayo ang iyong bahay.

Iwasan ring gumamit ng mga marupok na material ng kahoy. Ang mga manipis at mahinang uri ng kahoy ay dapat huwag gamit sa pag tayo ng iyong tahanan sapagkat ang mga ito ay madalas pamugaran ng mga anay. Kung maaari, iwasan din ang pagsandal sa kahoy sa mga pader dahil puwedeng maging daanan ito ng mga anay para pumasok sa loob ng iyong bahay.

Suriin din ang paligid ng iyong bahay kung ito ay protektado mula sa mga posibleng paninirahan ng kolonya ng anay. Ang mga puno ay hindi dapat nakadikit sa anumang uri ng materyal sa iyong bahay na gawa sa kahoy at huwag din itong idikit sa bubong dahil pwede rin itong daanan ng mga peste katulad ng langgam at anay.

 

Hanapin ang Mismong Kolonya ng mga Anay

Malaki ang posibilidad na hindi malutasan ng pest control service o ng natural na gamot ang pagdami ng mga anay kung hindi mo alam kung saan nanggagaling ang mga pesteng ito. Upang mapuksa ito, kailangang mapatay ang kanilang tahanan kasama ng kanilang kolonya. Kung gagamit ng boric acid, maging maalam sa mga posibleng panganib na makukuha dito.

Mabuting pag-aralan muna ang paggamit nito dahil hindi ito simpleng kagamitan sa bahay. Ang pulbos nito ay may mapanganib na epekto sa mga bata o sanggol kung ito ay nalanghap nila. Kung gagamitin ang boric acid sa kusina, sala, o kwarto, siguraduhin munang hindi ito mapupunta sa kubyertos at iba pang mga kasangkapan sa bahay.

Kumunsulta sa isang grupo na nagbibigay ng serbisyong pest control, at ang mga anay ay hindi na ulit mangagambala sa iyo. Dumulog sa kanila nang malaman mo rin ang mga tamang hakbang laban sa pagdami ng anay sa loob at sa labas ng iyong tahanan. Huwag basta gumamit ng kemikal sa loob at labas ng bahay, alamin muna kung ano ang nararapat na aplikasyon para dito.

Alamin ang Lahat ng Impormasyon Tungkol sa Anay

(Source: articles.extension.org)

Alamin ang Lahat ng Impormasyon Tungkol sa Anay

Upang maitaboy ang mga anay na maaring sumira sa bahay na iyong pinaghirapang makuha, alamin muna kung ano ba ang mga pinsala na maaaring maidulot nito sa iyong mga ari-arian at kung ano ba talaga ang kayang gawin nitong pesteng ito. Halimbawa, ang anay ay kumakain ng malalambot na kahoy at mga tuyong halaman.

Marapat lang din na alamin ang mga senyales ng pag bisita ng anay sa iyong bahay. Madalas na naninira sila ng mga gamit nang hindi mo nalalaman kaya bago pa man ito mangyari, iwasan na ang kanilang paninirahan sa mga silid ng iyong tahanan. Dapat mo rin malaman na palagi silang makikitang sa kanilang mga kuyog o grupo kaya kailangan mo munang matukoy kung saan nila itinayo ang kanilang pugad.

Ang mga anay din ay kumakain buong araw at buong linggo nang walang pahinga kaya ito ay masamang balita para sa iyong mga kagamitan at sa iyong puhunan na inilaan para sa mga ito. Ang mga pakpak ng mga anay ay maaaring kumalat kapag nakakahanap sila ng ibang lokasyon para gawing tirahan. Hanapin ang mga ito at dumulog na agad sa mabisang pest control service.

Ang mga anay ay may kakayahang ngatngatin ang kahoy, sahig, pader, at iba pang mga istruktura ng iyong bahay. Sila ay nakakapasok sa mga maliliit na lagusan sa labas ng iyong bahay. Maaari rin silang mag iwan ng mud trail na senyales ng kanilang presensya sa iyong bahay.

 

Konklusyon

Ang mga anay ay ang mga pangunahing peste na dapat mong iwasan sa iyong bahay. Hindi lamang ang iyong kagamitan ang kanilang puntirya pero pati na rin ang istruktura ng iyong bahay. Sundin lamang ang mga paraang makikita sa itaas para ma-protektahan ang iyong bahay. Mainam din tumawag sa isang epektibong pest control service para agad masolusyunan ang iyong problema!