Ikaw ba’y nasasanay nang may kasamang peste sa iyong tahanan: sa iyong bakuran, mga silid pahingahan, kusina, banyo, at kahit pati na rin sa loob ng iyong aparador at mga sapatos? Bagamat ang ilan sa mga ito’y karaniwan na sa ating bansa bilang Philippine insects, ito’y hindi dapat makasanayan sapagkat karamihan sa ito’y nakakaperwisyo sa ating tahanan at pamilya.
Upang maibsan ang perwisyo na dala ng mga ito, dapat lamang na tumawag ng pest control upang maagapan ang pinsalang maaaring idulot nito hindi lamang sa iyong pang-araw-araw na gawain, ngunit pati na rin sa iyong mga kagamitan.
Subalit ano nga ba ang mga karaniwang insekto na nakapipinsala sa iyong kabahayan? Narito’t iyong alamin:
Ang mga ipis ay isa sa mga kilalang Philippine insect na nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran at katawan ng tao. Ang mga ganitong peste ay madalas na matatagpuan sa mga tahanan lalo na kung tag-ulan. Sila ay madalas na namamalagi sa mga lugar na madumi sapagkat naroroon ang pagkain na kanilang kinokonsumo bukod sa karaniwang nakahain sa hapag kainan. Sila rin ang isa sa mga pinakamabilis kung magparami kaya’t karaniwang ang pinagmulan ng kanilang uri ang pinag-uukulang pansin ng mga pest control service.
Para maiwasan ang mga ito, ugaliin lamang na panatilihing malinis ang kabahayan at pati na rin ang iyong kapaligiran. Iwasan ang maaaring pag-imbak ng maruming tubig o ayusin ang mga tubo, huwag hayaang nakatambak ang pagkain o tira-tira, at itapon ito sa tamang basurahan.
Ang mga anay ay isa sa pinakamaliliit na uri ng Philippine insects. Bagamat karaniwang naihahalintulad sa mga langgam, ito ay bihirang makita. Ito ay namamahay at kumakain sa mga bagay na gawa sa kahoy – maaaring basa o di kaya’y tuyo. Batay sa kanilang kinakain, maaari nating tukuyin ang kanilang uri: subterranean o drywood.
Bagamat nakatutulong sa kalikasan, ang mga anay ay higit na nakapamemerwisyo sa tahanan. May kakayanan ang mga ito upang unti-unting kainin ang matitibay na pundasyon ng iyong tahanan at pati na rin ang iyong lamesa, upuan, aparador, at iba pang kagamitan na gawa sa kahoy. Karaniwang makikita ang mga ito bilang isang kolonya na gumagawa ng lagusan sa kahoy.
Upang masuri ang iyong tahanan kung may namamahay na ritong anay, sipatin ang mga dingding kung may mga maliliit na butas. Upang masigurado ang estado ng iyong tahanan, mas mabuting ipasuri ito sa isang pest control service para sila ay agad na maagapan.
Ayon sa kasaysayan, ang mga daga ay unang nakarating sa Pilipinas noong dumating ang mga Europeong manlalakbay. Ang pagdating nito ay nagbunga ng perwisyo sa bansa, dahil sa kakayahan nilang manira ng mga kagamitan at dulot nilang nakamamatay na sakit.
Maaari mong matukoy kung ang mga daga ay namumugad sa iyong tahanan kung may naririnig na pagkukumahig sa iyong kisame o di kaya’y may mga patay na daga sa madidilim na sulok ng iyong tahanan.
Ang mga daga ay mabilis kung magparami, kaya’t dapat lamang na ugaliing gumamit ng mga bitag at mga panlaban sa mga ito. Subalit, kung ika’y nakararanas na ng malubhang pamemeste, kumunsulta na lamang sa pest control upang ito’y di na tuluyang dumami; para na rin maiwasan ang pagbalik ng mga ito.
Ang mga langgam ay maaaring normal na insekto sa ating paningin, subalit ang mga ito ay nagdudulot din ng perwisyo sa ating tahanan. Sila ay maaaring makita sa iyong kusina, banyo, kwarto, o kahit sa mga bintana kung saan sila ay pwedeng makakita ng pagkain; maaari rin silang kumain ng patay na insekto o di kaya’y hayop.
Bagamat madaling mamataan, ang grupo ng mga langgam ay mahirap puksain sapagkat sila ay mailap. Totoong marami kang makikitang paraan upang sila ay mapaalis nang iyong tahanan sa internet; maaari mo silang sundin, ngunit kung ang problema na dulot nila ay hindi kaya solusyonan sa pamamagitan ng mga paraang ito, mas mainam na ikaw ay kumonsulta sa iyong pest control service.
Ang mga ipis, anay, daga, at langgam ay ang mga peste na maaaring matagpuan sa Pilipinas. Bagamat karaniwan, hindi na dapat itong hayaang maging parte ng iyong tahanan o kapaligiran. Higit na nararapat itong bigyan ng tamang atensyon sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga serbisyong tulad ng pest control, at paglilinis ng iyong kabahayan at bakuran upang masiguradong malinis at ligtas ang iyong paligid – hindi lamang para sa iyo, kundi para sa iyong pamilya.
Copyright © 2013 - 2023 by Topbest. SEO by SEO-Hacker. Optimized and managed by Sean Si.