Taon taon, milyon-milyon ang nagagastos ng kalahatan para lang mapagawa ang mga bahay na tuluyan nang nasira ng mga anay. Isa ang mga ito sa pinakamapanirang peste sa balat ng lupa at kaya nitong pababain ang halaga ng isang ari-arian ng mahigit-kumulang 25%. Gustuhin man iwasan ng mga homeowners ang pesteng ito, minsan huli na ang lahat bago pa sila makatawag ng pest control para sa anay.
Hindi naman misteryo kung bakit hindi agad nakikita ang mga anay at ang pinsala na dulot nila. Sadya namang nagtratrabaho sila sa dilim at naninirahan kung saan hindi sila agad makikita. Higit pa rito, hindi rin naman alam ng karamihan kung saan sila mahahanap. Tanging ang mga eksperto lamang ang nakakaalam ng mga lihim na tirahan ng mga anay.
Kabilang kami sa populasyon ng ekspertong may malalim na pagkakaintindi sa mga anay. Alam namin kung paano at bakit sila kumikilos at alam din naming kung saan sila naninirahan. Nais namin ibahagi sa inyo ang impormasyon na ito. Importanteng malaman ng mga tao ang karaniwang lungga ng anay sa kanilang bahay para hindi tuluyang magkaroon ng infestation sa kanilang mga bahay.
Ang sira at bungo-bungong bubong ay nagiging sanhi ng moisture at damp build-up na umaakit sa mga anay. Ito ay nangyayari buong taon ngunit mas malala sa panahon ng tag-ulan. Bukod sa pag-akit sa mga anay at pagsilbing tahanan ng mga ito, nagiging entry point din ito ng iba’t-ibang peste maliban sa anay. Ito ang ginagamit nilang pasukan papunta sa iyong bahay at kumakalat na sila sa iba’t ibang lugar mula rito.
Upang maiwasan ang sitwasyon na ito, siguraduhing buo at maayos ang iyong bubong. Ipagawa kung kailangan at palitan ang mga sirang tiles na nakalaat dito. Tignan din ang dampness ng iyong bubong at tanggaling ang humidity kung kailangan. Maaari naman tumawag ng eksperto kung hindi mo alam kung paano gawin ang mga ito.
Kung magmumula sa bubong ang mga anay, natural lang na ang sunod nilang pupuntahan ay ang iyong kisame o ang loob ng iyong kisame. Kung may attic naman ang iyong bahay ay doon mo sila makikita. Ninanais nila ang mga lugar na ito kung saan walang liwanag, mamasa-masa ang paligid, at may pinagmumulan ng pagkain.
Kapag nakapasok na sila sa iyong kisama, uunahin nila ang mga wooden beams na sumusuporta sa bubong ng iyong bahay. Hindi mo agad makikita ang epektong dulot ng mga anay, ngunit pag dating ng panahon, tiyak ay mababawasan ang pundasyon sa iyong tahanan na maaaring maging sanhi ng pagkasira nito.
Mabuti ring suriin ang iyong sala lalo na kung marami kang kasangkapan at kagamitan na gawa sa kahoy. Ang mga anay na makikita mo sa iyong sala ay hindi lamang nagmula sa kisame, maaari ring nagmula sila mula sa lupa sa ilalim ng iyong bahay. Kaya naman kapag nakita mo sila sa iyong sala, huwag ka nang magulat pag nakita mong sira ang iyong sahig.
Para maiwasan ang pagkalat ng anay sa iyong sala, subukang gumamit ng mga bagay na gawa sa metal. Kung hindi naman ito maari at mas pipiliin pa rin ang kahoy, siguraduhin na lang na treated ang kagamitan na gagamitin at hindi makakain ng anay. Kaugalian na ring suriin ang iyong sahig at kagamitan para sa kahit anong aktibidad na maaaring maugnay sa mga anay.
Isa pang lugar sa iyong bahay na maituturing langit para sa mga anay ay ang iyong kusina. Hindi lang ito lugar kung saan marami silang makikitang pagkain, marami ring entry at exit points sa iyong kusina.
Isa na rito ang mga tumagatagas na tubo na gumagawa ng moisture at dampness, na tulad ng iyong bubong, ay nang-aakit ng mga anay. Ang mga bintana’t pinto rin naman ay dapat panatilihing nakasara upang di makapasok ang mga anay lalo na tuwing swarming season. Madalas din silang nangingitlog sa siwang ng iyong bintana’t pinto kaya lagi itong tignan at linisin.
Para sa karamihan, ang garahe ay hindi lamang para sa kanilang kotse, kadalasang dito tinatambak ang mga kagamitang sira na o kaya nama’y wala nang silbi. Ang mga bagay na dapat nang itapon o ipamigay ay ipinapasok lamang sa mga karton at iniimbak sa isang tabi.
Mahalaga lamang na malaman mo na ang mga ito ay pagkain para sa mga anay. Gawa rin naman sa kahoy ang mga karton at mayroon din itong cellulose na mahalag sa kanilang diyeta. Mas nagiging kaakit-akit pa ito dahil may mga bulok na kagamitan sa loob na maari nilang gawing tahanan ng walang nakakapansin.
Kaya naman kung ika’y may garahe ay wag itong tambakan ng basura. Kung kailangan magtabi ng kagamitan, gumamit ng plastik na lagayan para hindi ito makain ng mga anay.
Maraming maaaring tirhan ang mga anay sa iyong tahanan. Sa katotohanan, kahit saang parte na madilim, mamasa-masa, may moisture, at may direktang source ng pagkain ay maaari silang manirahan.
Mas madalas at mas karaniwan lamang silang makita sa mga lugar na nakalista sa lugar na ito kaya’t iyon ang mga kailangan suriin. Kung ikaw ay nangangailangan ng higit pang tulong, huwag mag-atubiling tumawag ng anay at pest control services!
Copyright © 2013 - 2023 by Topbest. SEO by SEO-Hacker. Optimized and managed by Sean Si.