7 na Peste na Madalas Makita sa Pilipinas
Ano ang mga peste na madalas makita sa Pilipinas?
- Langgam
- Anay
- Daga
- Ipis
- Lamok
- Surot
- Kuto
Ang mga peste ay isa sa problemang kinakaharap natin ngayon. Hindi mo agad masasabi kung mayroon na bang mga insektong nagtatago sa iba’t-ibang sulok ng iyong tahanan. Kaya naman dapat ay maging kaugalian na ang paghikayat sa pest control.
Ngunit may mga pagkakataong hindi mo na kayang kontrolin nang mag-isa ang mga insektong ito. Kapag nangyari ito ay dapat ka ng humingi ng tulong sa propesyonal na pest control operatorpara maagapan agad ang sitwasyon bago pa ito lumala.
Ano nga ba ang mga peste na parating nanghihimasok sa mga tahanan?
Tatalakayin ng post na ito ang 7 na peste na madalas matagpuan sa Pilipinas.
Langgam
Kung mahilig ka mag-iwan ng mga pagkain kung saan-saan, kailangan mong mag-ingat dahil baka sinusugod na ng peste na ‘to ang bahay mo.
Maraming klase ang mga langgam. Mahahati sila sa dalawang kategorya o dalawang kulay: itim o pula.
Ang itim na langgam ay madalas matagpuan sa loob ng tahanan. Madalas silang sumisingit sa mga mailiit na butas, lalung-lalo na kapag iniiwan mong nakabukas ang iyong mga pinto at bintana.
Para naman sa mga pulang langgam, sila ‘yung sobrang makati kapag kinagat ka. Karaniwan silang matatagpuan sa labas, sa hardin o ‘di kaya’y sa bakuran.
Kapansin-pansin na bihira mong makitang nagsosolo ang mga langgam. Lagi silang kabilang sa isang hanay o grupo.
Gaano nga ba kalaki ang pinsala na kayang idulot ng mga maliliit na insektong ito? Una ay kaya nilang mamerwisyo ng mga tao. Tapos ay kaya rin nilang atakihin ang mga pagkain mo, lalung-lalo na kung hindi ito nakaimbak nang maayos. At idagdag mo pa rito ang gimbalang pwede nilang maidulot sa mga halaman—minsan ay gagawin din nila itong pagkain.
Buti na lang ay marami namang mga paraan para sugpuin ang mga langgam—mga pest control na kayang-kaya mong gawin bago ka tumawag ng pest control operator. Nangunguna na nga rito ang paggamit ng insecticide. Pero kung masyado nang nakakagambala ang presensiya ng langgam sa iyong bahay at ‘di mo na ito maagapan, dapat ay kumonsulta ka na sa propesyonal na pest control operator.
Anay
Mahirap detektahin ang mga anay sa iyong bahay. Ang mga anay ay maliliit na insektong may hawig sa langgam. Nginangatngat nila ang kahoy at iba pang materyales.
Mahirap mang tuklasin ang presensiya ng mga anay sa bahay mo, mayroon namang mga senyales na dapat mong bantayan—ang mga senyales na ito ang magpapahiwatig na nagtatago na nga ang mga anay sa sulok ng iyong tahanan.
Una ay pwede kang humanap ng mga dumi at alikabok na iniiwan nila, o kaya’y isang tambak ng dumi na ginagawa nilang lagusan para mapasok ang iyong tahanan. Kapag binantayan mo ang mga babalang ito ay maaagapan mo agad ang presensya ng anay.
Daga
Isa ito sa mga pinakamalaking pesteng nanggigimbala ng mga tahanan.
Ang pinakasimpleng paraan para sugpuin ang mga ito ay akitin mo sila palabas ng iyong bahay o patayin mo sila. Maaari kang maglagay ng pagkain malapit sa isang patibong, lalung-lalo na at madali silang matukso sa pagkain. Maliban dito, marami pang ibang paraan para kontrolin ang mga daga sa bahay mo.
Ipis
Isa sa mga pinakakinatatakutang peste ang ipis. Marami ang nanginginig sa takot masilayan lamang ito—lalung-lalo na ‘pag nagsimula na itong lumipad.
Madalas matagpuan ang ipis sa mga madidilim na lugar; dagdag mo pa rito ang sulok na puro dumi, kalat, at tubig. Ang mga pagkaing iniiwang nakatengga ay pwede ring mang-akit sa ipis. Buti na lang ay may pest control para padaliin ang pagsugpo sa pesteng ito.
Lamok
Ang mga lamok ay lumilipad na insektong sumisipsip sa iyong dugo sa bawat pagkakataong mahahanap nito. Madalas silang mangagat ‘pag gabi o ‘pag ikaw ay nasa labas.
Maliban sa pagiging makati, ang kagat ng lamok ay maaari ring maglaganap ng iba’t-ibang malubhang sakit, kagaya na nga lang ng dengue at malaria.
Karaniwang natatagpuan ang mga lamok sa lugar na may tubig. Ugaliing ‘wag mag-imbak ng tubig at magpahid din ng mga produktong kontra sa mga pesteng ito (kagaya na lang ng lotion).
Surot
Hindi ganon kalaganap ang mga surot, lalung-lalo na kung ikukumpara mo sa ibang peste. Pero importante pa ring maagapan silang kaagad.
Madalas silang nakikita sa mga kutson, karpet, at iba pa.
Kuto
Ang kuto ay isa ring peste na mahilig ding sumipsip ng dugo. Matatagpuan sila sa ating ulo, kung saan naaakit sila sa dumi ng buhok. Parehong tao at hayop ang pwedeng maapektuhan ng kuto.
Mabuti na lang ay mayroon ng mga shampoo at ibang produktong kontra sa kuto. Maaari ka ring gumamit ng suyod—isang suklay na ginagamit para alisin ang kuto sa iyong buhok.
Konklusyon
Hindi na bago ang peste sa Pilipinas. Maraming tahanan na lang ang ginagambala nito araw-araw. Kaya naman importante ang maging pamilyar sa mga pesteng madalas sumalakay sa iyong tahanan at alamin ang nararapat na pest control na pwede mong gawin. Mahalagang maagapan mo ang mga ito bago pa lumala ang sitwasyon.