Mga Natural at Mabisang Pamatay sa Anay

  • Orange Oil
  • Mainit at malamig na temperatura
  • Boric Acid
  • Mga patibong na gawa sa karton
  • Sodium Chloride

Ang mga anay ay mga pesteng pwedeng sumira ng iyong tahanan—lalo na kung hindi mo maagapan ang pagpasok nila sa iyong bahay. Kaya naman importante na protektahan ito sa simula pa lamang.

Napakahirap solusyonan ang paglaganap ng anay sa iyong bahay sapagkat hindi lamang isa ang nakatira kasama ng iyong pamilya, kundi isang buong kumpol. Kapag nangyari ito, malamang masisira ang buong istruktura ng iyong tahanan. Maliban pa rito, sila rin ay maaaring sumira sa iyong kagamitan sa bahay.

Ngunit, hindi mo kailangan mag-alala dahil may iilang solusyon ang iyong pwedeng gawin. Ang isa sa mga rito ay ang pagtawag sa mga ekspertong pumupuksa sa mga pesteng kagaya na lamang ng anay. Bukod pa rito, maaari ka rin sumubok ng mga natural at mabisang lunas para mapaalis ang mga pesteng ito sa iyong tirahan.

Ang iilang halimbawa ng mga natural na remedyong maaari mong subukan ay ang mga ito:

Orange Oil

Sa isang eksperimento sa isang laboratoryo, natuklasan na ang orange oil extract ay mabisa na pamatay ng mga anay. Ang porsyento nga mga anay na namatay sa eksperimentong iyon ay nasa 68-96%. Ang mga anay na hindi namatay sa langis na ito naman ay nakitaan ng kahinaan sa pagkain ng kahoy.

Nadiskubre sa eksperimentong ito na ang orange oil ay may kasangkapan na d-limonene ay nakakalason sa mga pesteng kagaya na lamang ng anay. Natuklasan din nila na mabisang ilagay ang orange oil malapit sa pinagpupugaran ng mga anay sa iyong bahay.

Gumawa ng mga maliliit na butas sa mga lugar na pinagbahayan ng anay at i-inject ang orange oil dito. Ito ay eepekto sa loob ng tatlong araw hanggang sa tatlong linggo, depende sa kalubhaan ng paglaganap ng mga anay sa iyong tahanan.

Hot and Cold Treatment

Hindi nakakatagal ang anay sa mga sobrang init at lamig na temperatura. Ang mga temperatura na mas mataas sa 48 degrees o mas mababa sa -28 degrees Celsius ay nakakatulong na pumatay ng anay. Painitin ang materyales na kahoy sa temperaturang 48 degree Celsius at patagalin ito ng 33 na minuto.

Maaari mo ring ilagay ang kagamitan na gawa sa kahoy o kahit ano pa man, sa ilalim ng araw. Ito ay magbibigay daan sa pag-evaporate ng moisture na nilalaman nito. Maaaring mamatay ang mga anay o lubayan na nila ang iyong gamit na gawa sa kahoy. Ang init na ito ay isang non-chemical na paraan para sa pagpatay ng anay. At hindi mo na kinakailangang gumastos para rito.

Kung gagamitan mo naman sila ng malamig na temperatura, gumamit ka ng liquid nitrogen. Gumamit ka rin ng special equipment para i-inject ang nitrogen sa mga maliliit na butas. Iwanan ito sa -29 degrees Celsius sa loob ng 5 na minuto. Hindi nila kayang mamuhay sa ganitong kalamig na temperature; kusa nalang silang mamamatay.

Boric Acid

Ang boric acid ay isang natural na insecticide na sumisira sa nervous system ng mga anay at nagiging sanhi ng kamatayan nila. Para gamitin ito, ihalo lamang ang boric acid powder sa tubig at ilagay ito sa ibabaw ng kahoy gamit ang paint brush para itaboy na nang tuluyan ang mga anay. Maaari mo rin itong gamitin sa iyong hardin o kwarto, mag halo lamang ng solusyon na nabanggit.

Maaari mo ring i-spray o pinturahan ng borate ang iyong gamit na gawa sa kahoy, para mababad ito sa crystallized boric acid. Kapag kakainin na ng mga anay ang kahoy na ito, sila ay tuluyang malalason. Siguraduhin lamang na magsuot ng masks at guwantes kapag gagamit ng boric acid dahil ito rin ay mapanganib para sa tao.

Mga Patibong na Gawa sa Karton

Hindi lamang kahoy ang kinakain ng mga anay, pati na rin ang mga papel at karton. Lahat na mayroong cellulose ay pagkain ng anay. Maaari mong gamitin ito para sa mabisang pagpatay sa mga pesteng ito. Gamitin ang karton para gumawa ng patibong na tutulong maglinis ng iyong bahay laban sa anay.

Basain ang karton at ilagay sa mga apektadong lugar para maakit ang mga anay. Kapag napuno na ang karton ng mga anay, gumamit ng guwantes para hawakan ito. Silaban ang karton at ulitin hanggang sa maubos ang mga anay.

Sodium Chloride

Ang sodium chloride ay isa ring mabisang insecticide. Ito ay isang kasangkapan na makikita mo lamang sa iyong kusina. Ang asin ay isang mabisang pamatay ng anay dahil ito ay merong cellulosena paboritong pagkain ng mga anay.

Para gamitin ito laban sa mga anay, ihalo ang asin sa baso ng maligamgam na tubig. Magbabad ng bulak sa solusyon at ilagay ito sa lugar kung saan sila namumuhay. Lalapitan nila ang bulak dahil sa cellulose na nilalaman nito. Hindi lamang mabisang pamatay ng anay ang paraan na ito; ito rin ay isang epektibong paraan para makapagpigil sa mga anay na bumalik pang muli.

Konklusyon

Ang mga natural at mabisang paraan para pumatay ng anay ay isang alternatibong maaari mong gawin bago tumawag sa pest control services. Ang mga materyal na gagamitin dito ay madali lamang mahahanap sa iyong bahay.

Similar Posts