Ka-trabaho ko, mga Everyday Heroes

Kailangan ba may kapa para maging Hero?

Naka-full safety gear ang mga technicians. Ang panlaban nila ay mga chemical pesticides, power spray, fogger, mechanical glue traps and baits. Hindi sila susuko sa mga peste. Hindi nila hahayaan sirain ang mga bahay, opisina, at warehouse ng aming mga kliyente.

Seryosong trabaho ang pest control. Matinding paghahanap at pag suot sa sulok sulok. Alam namin kung saan sila nagtatago.  Ang ipis nag susumiksik sa masikip. Ang daga may lungga. Ang Queen Termite, may colony ng mga soldiers at workers. Ang surot nasa mga singit at gilid. Ang lamok nasa dilim at mga lugar na may stagnant water.

Masisipag ang mga anay at daga na manira ng mga bagay na mahalaga. Bahay na pinundar, ginastahan, sisirain lang ng anay. Ang anay at daga nginangat-ngat ang pondasyon ng bahay at gusali.  Ang ipis,  may dalang masamang amoy at sakit. Ang surot, pantal at kati sa balat. Ang dala ng lamok, ang nakakamatay na dengue!

Hindi namin kailangan lumipad sa ere o lulunin ang bato ni Darna. Gagawin ng TOPBEST technicians ang aming misyon to search and eliminate pests. Effective pest control ang aming mantra.  Araw araw, hero ang mga ka-trabaho kong mga TOPBEST technicians.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa mga karaniwang peste sa Pilipinas.


Leonides Baler, Jr.
Customer Relations Manager
TOPBEST Pest Services, Inc.

Leo spent 15 years in Brunei as Sales & Marketing Manager in a home furnishing and construction company. Through immersive training, he learned the ropes in pest control, and eventually assumed the position that puts to good use his long experience in client relations.

Leonides Baler, Jr.
Customer Relations Manager
TOPBEST Pest Services, Inc.

Leo spent 15 years in Brunei as Sales & Marketing Manager in a home furnishing and construction company. Through immersive training, he learned the ropes in pest control, and eventually assumed the position that puts to good use his long experience in client relations.

Similar Posts